Thursday, November 24, 2011

"Patience is a Virtue" PART 1

Simula noong ako'y magkaisip at nag-aral lagi ko naririnig ang kasabihang "Patience is a Virtue". Noong una nga ay hindi ko pa alam ang ibig-sabihin ng mga salitang yan, akala ko noon ay isang taong may sakit na anu mang oras ay pwede nang mawalan ng hininga o isang character sa isang video game na paborito nilang gamitin, kung anu-anu ang ang aking naiisip pero sa aking pagtanda nalaman ko din kung anu talaga ang ibig-sabihin ng mga salitang yan.

Patience o Pagtitiyaga sa wikang Tagalog na ang ibigsabihin ay ang patuloy na paggawa kahit sa mahirap na kalagayan, hindi sumusuko kahit na sabihin pa ng ibang tao na di mo kayang gawin. Habang ang Virtue o Kabutihan, Kagandahang Asal naman ay  ang batayan ng kabihasnan ng isang tao, kung saan siya nagmula at kung anung mundo ang kanyang ginagalawan. Mula sa unang taon ng ating pag-aaral ay naririnig na natin ang kasabihang ito at masasabi ko na napaka mabisa ito sa parehas na larangan sa pag-ibig at buhay. Marami nang beses na ako'y nabigo sa mga gusto kong gawin, napahiya at pinag-mukhang walang alam sa mundong aking ginagalawan at kung ako'y sumuko nalang sa mga panahong yun, panigurado na ako ang talo. May mga bagay na sinasabe nila na hindi natin kayang gawin o abutin, pero hindi ako naniniwala sa konseptong iyan, dahil pag ikaw ay nag tiyaga sa anu mang nais mong gawin ay tiyak na makakamtan mo ito o kung hindi man makamtan o makukuha ay malapit lang sa gusto mo. Hindi importante kung ikaw ay magkamali muli ang mahalaga ay bumangon ka muli upang sumubok ang mundong ating ginagalawan ay hindi patas sa anu mang bagay kung kaya't kailangan lang natin ng pagtitiyaga upang makuha yung gusto natin. 

Kitang kita sa mga naunang tao ang pagtitiyaga kung kaya't tayo ay natuto at sila naman ay kinilala ng buong mundo. Tulad nalang ni Sir Isaac Newton na kung hindi niya pinagmasdan ang mansanas na bumagsak galing sa puno nito ay mananatili tayong mang-mang sa kung bakit bumabagsak ang mga bagay-bagay na ating inihagis or galing sa mataas na lugar at isa pang napaka gandang halimbawa ay ang mag pagtitiyaga ni Jesus na saluhin lahat ng paghihirap upang iligtas ang sanlibutan. Maraming beses nang napatunayan ang halaga ng pagtitiyaga sa ating buhay. Ang pag aaral nang halos 17 taon mula sa pinaka mababang antas hanggang sa kolehiyo tiniyaga natin iyon upang mag karoon ng magandang buhay sa hinaharap, subok na matiyaga naman talaga ang lahing pinoy kung kaya't kitang kita naman ang ating pgalaban sa mga unos na satin ay dumating. September 26, 2009 nung salantahin tayo ng bagyong Ondoy, lubog ang aming bahay sa tubig baha. Halos dalawang linggong walang kuryente, tiis sa de lata na mga pagkain. Pero kahit nahirapan muli paring bumangon at nag simula muli. Patuloy na magbubunga ang ating pag titiis dahil ang mga mabubuti at magagandang bagay sa mundo ay kailangan lang natin antayin sa tamang oras, lugar at panahon. TIYAGA LANG YAN!





No comments:

Post a Comment